Pasok sa tanggapan ng gobyerno at public school sa NCR sinuspende ng Malakanyang dahil sa sama ng panahon

 

Dahil sa sama ng panahon dulot ng habagat na pinalala ng bagyong Gorio sinuspende na ng Malakanyang ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at pampublikong paaralan sa National Capital Region o NCR.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea  inerekomenda ito ng PAGASA at National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC ang work at class suspension.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na naglabas ang PAG-ASA ng yellow waring rainfall sa Metro Manila at karatig lalawigan at mayroon ng mga pagbaha sa mga mababang lugar.

Batay sa direktiba ng Malakanyang mananatili sa kanilang puwesto ang mga empleyado ng gobyerno na may kinalaman sa operational and services.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *