Peter Advincula alyas Bikoy inireklamo ng Estafa sa DOJ

Sinampahan ng reklamong Estafa sa Department of Justice (DOJ) ng isang negosyante si Peter Joemel Advincula na nagpakilalang si Alyas Bikoy.

Ayon sa complainant na si Arven Valmores, ginamit ni Advincula ang logo at pangalan ng kanyang kumpanya na Ardeur World Marketing Corporation sa  promosyon ng beauty pageant na inorganisa ng respondent sa Polangui, Albay noong Agosto 2018.

Ito ay kahit walang paalam at otorisasyon mula sa complainant si Advincula na isa lamang independent distributor o seller ng produkto ni Valmores.

Pagdating naman ng coronation night ng beauty pageant ay hindi na nagpakita at hindi na ma-contact si Advincula.

Napilitan naman si Valmores na bayaran ang mahigit 304 thousand pesos na pagkakautang sa mga pageant staff at contestants matapos magtago si Advincula.

Ngayon lang isinampa ng negosyante ang reklamo makaraang lumutang kamakailan sa media si Advincula dahil sa Bikoy videos.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *