Administrasyon, malaki ang magiging lamang ngayong eleksyon- ayon sa isang Political analyst

Para kay Political Analyst Prof. Ramon Casiple, magiging malaki ang lamang ng administrasyon ngayong eleksyon.

Aniya, ito ay dahil na rin sa mga lumabas na survey na halos pumapabor sa administrasyon.

Nagiging kapana-panabik rin aniya ang halalan ngayon dahil sa mga ginawang isyu ng oposisyon na lalung nagpasikat kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Marami ring usapin aniya sa eleksyon na nagiging interesante.

Maraming usapin ngayon sa eleksyon na ito na bago. Gaya ng dalawang koalisyon ng administrasyon tapos nagkakaroon ng usapin sa shut-out sa lokal ibig sabihin walang nakukuhang local candidate ang oposisyon. Eh popular yung ating Presidente kaya malaking dehado”. – Prof. Ramon Casiple

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *