Peter Joemel Advincula, nakalabas na ng ospital – PNP

Nakalabas na ng ospital si Peter Joemel Advincula o alyas Bikoy.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), isinugod kasi si Advincula sa PNP General Hospital makaraang makaranas ng pananakit ng dibdib at mahirapang huminga.

Sinabi ng PNP na normal ang lumabas na resulta sa mga isinagawang heart at x-ray tests kay Advincula.

Malinaw din ang paghinga ni Advincula.

Ayon sa PNP, ang pinal na diagnosis ng ospital kay Advincula ay anxiety disorder.

Si Advincula ang nasa likod ng kontrobersyal na Ang Totoong Narcolist na nagdawit sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakaran ng iligal na droga.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *