Pinsala ng lindol sa Lanao at Bukidnon, itinaas ng PHIVOLCS

Itinaas ng PHIVOLCS sa Intensity 7 ang pinsala ng lindol na yumanig sa malaking bahagi ng Lanao del Sur at Bukidnon kaninang umaga.

Ipinaliwanag ng PHIVOLCS na bagaman naitala sa magnitude 6 ang lakas ng lindol, ang pinsala naman nito ay itinaas nila sa intensity 7.

Ayon sa PHIVOLCS, ibinase nila ang intensity level upgrade sa lawak ng pinsala na kanilang natatanggap batay sa mas pinalawak na post-quake information gathering.

Kasabay nito, inihayag ng PHIVOLCS na asahan ang sunud-sunod pang mga aftershock sa mga lugar na nakaranas ng pagyanig.

Please follow and like us: