Pitong personalidad na may apelyidong Maute, hinarang ng BI sa NAIA

Pitong indibidwal na may apelyidong Maute ang hinarang ng Bureau of Immigration sa NAIA.

Pasakay na sana sa isang commercial plane ang pitong indibidwal patungong Kuala Lumpur Malaysia.

Kinilala ang pito na sina Abdulcahar Maute, Al Nizar Maute, Abdulrahman Maute, Yasser Maute, Ashary Maute, Mawiyag Cota at  Acmali Mawiyag.

Apat sa mga ito ay may arrest order batay sa ipinalabas ng Department of National Defense kaugnay sa umiiral na Martial Law sa Mindanao.

Pinakabata sa mga ito ay 17-anyos, at ang mga ito ay iti-nurn over na sa PNP-CIDG at isinailalim sa interogasyon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *