Planong postponement ng Barangay election wala ng sapat na panahon – Rep. Tugna

Wala ng sapat na panahon para maipagpaliban ang Barangay election sa Oktubre.

Ayon kay Cibac Partylist Rep. Sherwin Tugna na siya ring Chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms magsisimula  na ang regular session ng Kongreso sa July 24.

Ito na rin ang  ikalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo  Duterte kaya kakapusin na sila ng oras para talakayin sa plenaryo ang panukalang postponement ng Barangay election.

Giit ni Tugna kung maaprubahan man sa Kamara ang postponement ng barangay election, dadaan pa rin ito sa Senado at posibleng  mahirapang makalusot dahil sa kawalan ng sapat na panahon.

Una rito, nagpahiwatig si Pangulong Duterte sa Kongreso na nais niyang ipostpone ang Barangay election at maglagay na lamang ng officer-in-charge dahil sa pangamba na drug lords ang magpopondo sa nasabing eleksyon.

Ulat ni : Carl Marx Bernardo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *