PNP, bumuo na ng guidelines para sa implementasyon ng E.O 28 o total ban ng paputok

Sinimulan na ng Philippine National Police ang paggawa ng bagong guidelines para sa full implementation ng Executive Order 28 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-regulate ng mga firecrackers at mga pyrotechnics.

Sinabi ni PNP Spokesman Chief Superintendent Dionardo Carlos, katuwang nila ang Firearms and Explosive Office para mag-ambag sa Implementing Rules and Regulations na magiging epektibo sa pagsalubong ng 2018.

Una nang nagpahayag ng suporta ang mga gumagawa ng mga paputok sa bagong kautusan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *