PNP, nakapagtala ng 324 bagong recoveries mula sa Covid-19

Pumalo na sa 35,807 ang kabuuang mga gumaling sa hanay ng Pambansang Pulisya mula sa Covid-19.

Ito ay matapos makapagtala ang PNP Health service ng karagdagang 324 na mga gumaling sa virus infection ngayong araw, September 20, 2021.

Samantala, ngayong araw nakapagtala rin ang PNP ng 125 bagong mga kaso kaya umakyat na sa 38,332 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa PNP na may 2,412 active cases.

Wala namang naitalang bagong pumanaw kaya nanatili sa 113 ang death toll.

Please follow and like us: