PNP Region 12, itinuring na “Act of Terrorism” ang nangyaring pagsabog sa Gensan

 

Mahigpit na pinatututukan ni Police Chief Supt. Eliseo Rasco, Regional Director ng Police Regional Office-12 ang nangyaring pagsabog sa crossing Makar, Barangay Apopong, General Santos city.

Nabatid na umakyat na sa walo katao ang sugatan sa Improvised Explosive Device (IED) explosion.

Inihayag ni Rasco na isang ‘act of terrorism’ ang nangyari.

Aniya, hintayin ang resulta sa isinagawang post blast investigation upang matukoy kung sinong grupo ang responsable sa pagpapasabog.

Narekober sa blast site ang mga concrete nails na 1 inch ang haba.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, isang motorsiklo ang huminto sa harap ng Vic Bonita lying inn clinic at bumaba ang dalawang hindi kilalang lalaki.

 

===========

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *