PPA tiniyak na walang port closure ngayong holiday season

Tiniyak ng Philippine Ports Authority na walang mangyayaring closure sa mga pantalan ng Maynila at Batangas ngayong holiday season.

Ang abiso ay ginawa ng PPA kasunod ng post umano ng 2Go travel sa kanilang website na suspendido ang port operations mula 7:00pm ng December 24,2022 hanggang 7:00 pm ng December 25,2022 at 7:00 pm ng December 31,2022 hanggang 7:00 pm ng January 1 ng 2023.

Sa isang pahayag sinabi ni PPA General Manager Jay Santiago na tuloy ang 24/7 na operasyon sa mga pantalan at walang naiulat na pagsasara ng anumang pantalan ng PPA sa buong bansa.

Pagtiyak ni Santiago, makakaasa ang publiko sa serbisyo ng PPA lalo ngayong peak season, tuloy-tuloy ang operasyon sa pantalan.

Sa ngayon, nakadeploy na rin ang PPA port police sa mga pantalan at nakahanda na rin ang mga empleyadong naka-duty sa PPA Malasakit Help Desk para maasikaso ang mga uuwi ngayong peak season.

Una rito, naglabas ng memorandum si Santiago hinggil sa “No Leave Policy” para sa 24/7 na operasyon ng PPA ngayong holiday season.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *