Prelim investigation sa “rent-tangay” scam, itinakda na ng DOJ

Itinakda na ng DOJ sa March 20, Lunes ang ang unang araw ng preliminary investigation sa kaso ng rent-tangay scam.

Large scale estafa ang kasong inihain ng mga complainant laban sa 11 respondent.

Kabilang sa mga inireklamo sina Rafaela Anunciacion; Eleanor “Leah” Constantino Rosales at Tychicus Historillo Nambio.

Sa unang batch ng kaso, didinggin ang isinampang reklamo  ng 25 private complainant sa pamamagitan ng PNP-Highway Patrol Group at ng CALABARZON PNP.

Pinangakuan ang mga nabiktima ng mataas na buwanang kita ng mga respondent mula sa pagpapa-arkila ng kanilang sasakyan, pero nadiskubre nila na ang kanila palang sasakyan ay isinangla o ibinenta sa iba nang hindi nila nalalaman.

 Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us: