Presidential Spokesman Harry Roque makikipagpulong sa SONA speech writer ni Pangulong Duterte

Nais ni Presidential Spokesman Harry Roque na umupo kasama ang speech writer ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Roque na nais niyang malaman ang magiging laman ng ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Roque kahit sa nakaraang dalawang SONA ay hindi nagpatali sa written speech ang pangulo nais niyang malaman ang outline ng ikatlong SONA ng presidente.

Iinihayag ni Roque na kilala ang pangulo na nagsasalita sa publiko kung ano ang nasa kanyang puso at isipan.

Sa ngayon ay binabalangkas na ng mga miyembro ng gabinete ang magiging laman ng sona ng pangulo.

Si Pangulong Duterte ay magsagawa ng kanyang ikatlong SONA sa July 23 kasabay ng pagbubukas ng second regular session ng kongreso.


Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *