Presyo ng LPG, nakaambang tumaas bukas

Nakaambang tumaas  ang  presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) sa papasok na buwan.

Batay sa abiso ng industry sources, nasa 3 hanggang 4 piso ang itataas ng LPG.

Dahil dito, maaaring pumalo ang dagdag presyo sa 33 hanggang 44 piso sa kada  tangke ng LPG.

Inaasahaang ipatutupad ang taas -presyo bukas,  June 1.

Ayon sa LPG Marketers Association (LPGMA) Party-list, ang presyo ng LPG ay sumusunod lamang sa presyo ng diesel at gasolina sa pandaigdigang merkado.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *