Prosekusyon, pinasasagot ng Sandiganbayan sa inihaing mosyon ni dating Sen. Estrada para sa speedy trial ng plunder case nito

Pinasasagot ng Sandiganbayan 5th division ang prosekusyon sa hiling ni dating Sen. Jinggoy Estrada na magkaroon na ng speedy trial sa kaniyang plunder case.

Ayon kay 5th Division Clerk of Court Atty. Liezel De Leon, binigyan ng 10 araw ang public prosecutors para sagutin ang hirit ng kampo ni Estrada.

Giit ng dating Senador, may resolusyon na ang Supreme Court para sa bagong guidelines para sa continuous trial ng criminal cases.

Inaasahang magkakabisa ito sa darating na Setyembre 1, 2017.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *