PSG, naglatag ng karagdagang security measures dahil sa banta sa buhay ni Pangulong Duterte

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong gustong pumatay sa kanya kaya siya mayroong bullet-proof glass habang nagsasalita sa harap ng publiko.

Sa talumpati ng Pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Malabon sinabi nitong ang buhay ay swerte swerte lang at kung panahon na aniya ay wala na siyang magagawa para pigilan ito.

Ayon sa Pangulo wala siyang kontrol sa inihahandang security arrangements ng kanyang Presidential Security Group o PSG.

Inihayag ng Pangulo laging ipinag-uutos ng PSG na idistansiya niya ang kanyang sarili sa maraming tao bagay na malayo sa kanyang nakasanayan noong siya ay alkalde pa ng Davao City.

Naniniwala ang Pangulo ang pagtiyak sa kanyang kaligtasan ay para na ring pagbibigay proteksyon sa buong bansa.

Nilinaw ng Pangulo na siya ay katulad lang ng ordinaryong Pilipino.

Ang Pangulo ay matindi ang kampanya laban sa ilegal na droga,  mga rebeldeng komunista at korapsyon sa pamahalaan.

Ulat ni Vic Somintac

President Duterte during 31st Asean summit
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *