Public interview para sa mga aplikante sa mababakanteng pwesto sa Korte Suprema, itinakda na ng Judicial and Bar Council

Nagtakda na ang Judicial and Bar Council ng mga petsa ng public interview para sa 24 na aplikante para sa posisyong babakantehin ni Supreme Court Associate Justice Mariano Del Castillo na magreretiro sa July 29.

Sa abiso ng JBC, itinakda sa June 21, June 25 at June 26 ang public interview

Sa June 21 ay apat ang sasalang sa JBC interview habang walo sa June 25 at 12 aplikante naman sa June 26.

Maari magsumite ang publiko ng oposisyon laban sa sinumang aplikante hanggang June 11 ng alas kwatro y medya ng hapon.

Kabilang sa mga naghain ng aplikasyon sina Court Administrator Jose Midas Marquez, Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang.

Karamihan din sa mga kandidato ay mahistrado ng Court of Appeals at Sandiganbayan.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *