Pulis patay sa ambush sa Imus City Cavite

Patay ang isang pulis habang sugatan naman ang asawa at anak nito sa isang ambush na naganap sa brgy. alapan Imus City Cavite. 

Kinilala ang mga nasawing pulis na si Capt. Ariel Ilagan na naka-assigned sa SPD 

Batay sa report na inilabas ng PNP Reg. 4a, nangyari ang insidente kahapon, lunes, November 23, ng alas 6 ng umaga kung saan sakay ng ang mag anak ng kanilang SUV palabas sana mula sa subdivision.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan pulis na agad nitong ikinamatay, habang kinilala naman ang mga sugatang biktima na sina Mary Grace Ilagan at ang anak nitong si Audrey Gale.

Armado ng M16 ripple ang mga suspek na siyang nang ambush sa mag anak at matapos ang pamamaril ay saka tumakas sakay ng kulay pulang Innova.

Patuloy pang inaalam ng PNP Reg. 4a ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo ng mga ito sa pamamaril. 

Si Capt. Ilagan ang siyang dating namuno sa Taguig City Police’s Drug Enforcement Unit at naka assign ngayon sa Discipline Law and Order Section (DLOS) sa Southern Police District na kung saan siya ang may hawak ng mga administrative and less grave cases ng mga pulis na nakaassign sa SPD.

Ulat ni Jet Hilario

Makikita sa kuha ng CCTV ang suspek sa pamamaril sa pulis at ma-ina nito.
Please follow and like us: