Aktibong kaso ng COVID-19 sa Biñan City, Laguna mahigit 20 na lamang

Aabot na lamang sa 29 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Biñan City, Laguna.

Sa datos ng Biñan City Epidemiology and Surveillance Unit, nadagdagan ng lima ang kumpirmadong kaso ng virus sa lungsod habang may isang bagong gumaling.

Sa kabuuan, 1,831 na ang bilang ng mga pasyenteng nakarekober mula sa COVID sa Biñan City habang mayroong 54 na pumanaw.

Wala na ring active case sa 16 na barangay at komunidad sa lungsod kabilang ang BJMP at PNP Custodial Center.

Moira Encina

Please follow and like us: