Putin, nagmungkahi ng direktang usapang pangkapayapaan sa Ukraine, pagkatapos ng tatlong taon nang digmaan


Russian President Vladimir Putin gives a statement to the media at the Kremlin in Moscow, Russia May 11, 2025. Sergey Bobylev/Host agency RIA Novosti/Handout via REUTERS
Ipinanukala ni Russian President Vladimir Putin ang direktang pakikipag-usap sa Ukraine na may layuning magkaroon ng isang matibay na kapayapaan upang tapusin na ang giyera, isang inisyatibang tinanggap ni U.S. President Donald Trump ilang oras lamang pagkatapos na hingin ng European powers at ng Kyiv ang isang agarang tigil-putukan.
Nagpadala si Putin ng libu-libong tropa sa Ukraine noong Pebrero 2022, na nagpasimula ng isang digmaan na pumatay sa daan-daang libong sundalo at nagdulot ng pinakamalalang komprontasyon sa pagitan ng Russia at Kanluran mula noong 1962 Cuban Missile Crisis.
Sa pag-abante ng mga pwersang Ruso, ang pinuno ng Kremlin ay nag-alok ng kaunti, kung mayroon man, na mga konsesyon sa ngayon ngunit nagmungkahi na makipag-usap sa Ukraine sa Turkish city ng Istanbul na aniya ay gaganapin nang walang mga paunang kondisyon at naglalayon ng isang matibay na kapayapaan.
Sa isang televised statement ay sinabi ni Putin, “We are proposing that Kyiv resume direct negotiations without any preconditions. We offer the Kyiv authorities to resume negotiations already on Thursday, in Istanbul.”
Sinabi ni Putin na dapat matugunan sa mga pag-uusap ang ugat ng digmaan at kakausapin niya ngayong Linggo si Turkish President Tayyip Erdogan upang i-facilitate ang usapan, na aniya ay maaaring humantong sa isang tigil-putukan.
Aniya, “Our proposal, as they say, is on the table. The decision is now up to the Ukrainian authorities and their curators, who are guided, it seems, by their personal political ambitions, and not by the interests of their peoples.”

Russia’s President Vladimir Putin attends a meeting with President of Georgia’s breakaway region of Abkhazia Badra Gunba in the Grand Palace at the Kremlin in Moscow, Russia May 10, 2025. Pavel Bednyakov/Pool via REUTERS
Sinabi naman ni U.S President Donald Trump, “A potentially great day for Russia and Ukraine! Think of the hundreds of thousands of lives that will be saved as this never ending ‘bloodbath’ hopefully comes to an end.”
Hindi naman agad na tumugon ang tanggapan ni President Volodymyr Zelenskiy at ang foreign ministry ng Ukraine sa kahilingan ng Reuters para sa komento sa proposal.
Ang panukala ni Putin para sa direktang pakikipag-usap sa Ukraine ay ginawa ilang oras makaraang mag-demand ang major European powers nitong Sabado sa Kyiv, na dapat sumang-ayon ni Putin sa isang unconditional 30-day ceasefire o maharap sa “massive” new sanctions.
Ayon naman kay French President Emmanuel Macron, ang proposal ni Purin para sa direct peace talks sa pagitan g Moscow at Kyiv ay nagpapakita na naghahanap ang Russian leader ng daang pasulong, “It’s a first step but it’s not enough. An unconditional ceasefire is not preceded by negotiations.”
Ani Putin, ang Russia ay nagmungkahi ng ilang tigil-putukan, kabilang ang isang moratorium sa mga pasilidad ng enerhiya, at ang pinakahuli ay ang 72-oras na tigil-putukan sa panahon ng mga pagdiriwang kaugnay ng 80 taon mula sa tagumpay ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sinabi pa ni Putin na sa panahon ng tigil-putukan noong Mayo ay inatake ng Ukraine ang Russia gamit ang 524 aerial drone, 45 sea drone, isang bilang ng mga Western missiles, at nahadlangan naman ng Russia ang limang pag-atake sa mga rehiyon ng Russia. Inakusahan ng Ukraine ang Russia nang paglabag sa pansamantalang tigil-putukan, kabilang ang tigil-putukan noong Mayo 8-10.
Sinabi ng mga opisyal ng Ukraine, na sa kabila ng panawagan ni Putin para sa usapang pangkapayapaan, ang Russia nitong Linggo ay naglunsad ng drone attack sa Kyiv at iba pang bahagi ng Ukraine, na ikinasugat ng isang tao sa rehiyon na nakapalibot sa kabisera ng Ukraine na ikinasira ng ilang pribadong tahanan.
Ayon kay Putin, hindi niya inaalis na sa panahon ng kanyang iminungkahing pag-uusap sa Turkey, ang magkabilang panig ay magkakasundo sa “ilang bagong truce, isang bagong tigil-putukan,” ngunit isa na magiging unang hakbang tungo sa isang “sustainable” peace.
Si Putin, na ang mga pwersa ay kumokontrol sa one-fifth ng Ukraine at umaabante pa, ay nanindigan sa kanyang mga kondisyon para wakasan ang digmaan sa kabila ng pampubliko at pribadong panggigipit mula kay Trump at paulit-ulit na mga babala mula sa European powers.
Noong June 2024, sinabi niya na dapat opisyal nang itigil ng Ukraine ang mga ambisyon nitong mapaanib sa NATO at bawiin ang mga tropa nito mula sa kabuuan ng teritoryo ng apat na rehiyong Ukrainian na inaangkin ng Russia.

Russian President Vladimir Putin gives a statement to the media at the Kremlin in Moscow, Russia May 11, 2025. Sergey Bobylev/Host agency RIA Novosti/Handout via REUTERS
Ipinapanukala rin ng mga opisyal ng Russia na kilalanin ng U.S. ang kontrol ng Russia sa mga bahagi ng Ukraine at hiniling na manatiling neutral ang Ukraine kahit na sinabi ng Moscow na hindi ito tutol sa mga ambisyon ng Kyiv na sumali sa European Union.
Partikular na binanggit ni Putin ang 2022 draft deal na napag-usapan ng Russia at Ukraine ilang sandali matapos magsimula ang pagsalakay ng Russia.
Sa ilalim ng draft, na ang isang kopya ay sinuri ng Reuters, dapat sumang-ayon ang Ukraine sa permanenteng neutralidad bilang kapalit ng mga internasyonal na garantiya ng seguridad mula sa limang permanenteng miyembro ng U.N. Security Council: ang Britain, China, France, Russia at United States.
Ayon kay Putin, “It was not Russia that broke off negotiations in 2022. It was Kyiv. Russia is ready to negotiate without any preconditions.”
Pinasalamatan niya ang China, Brazil, African at Middle Eastern countries at ang Estados Unidos para sa kanilang pagsisikap na mamagitan.
Si Trump, na nagsabing nais niyang magunita siya bilang isang peacemaker, ay paulit-ulit na nagsabing nais niyang matapos na ang giyera, “I will continue to work with both sides to make sure that it happens. The USA wants to focus, instead, on Rebuilding and Trade. A BIG week upcoming!”
Ang dating Pangulo ng Estados Unidos na si Joe Biden, ang mga pinuno ng Kanlurang Europa at ang Ukraine ay itinuring ang pagsalakay bilang isang imperial-style land grab at paulit-ulit na nangakong gagapiin ang Russian forces.
Itinuring naman ni Putin ang digmaan bilang isang watershed moment sa relasyon ng Moscow sa Kanluran, na aniya ay nagpahiya sa Russia pagkatapos bumagsak ang Unyong Sobyet noong 1991 sa pamamagitan ng pagpapalaki ng NATO at pagpasok sa kung ano ang itinuturing niyang saklaw ng impluwensya ng Moscow, kabilang ang Ukraine.