Sasakyan ni Philippine Ambassador to Egypt Ezzedin Tago naaksidente habang patungo sa Sudan Egypt Border

Kinumpirma ng DFA na naaksidente ang sinasakyan ni Philippine Ambassador to Egypt Ezzedin Tago habang patungo sa Sudan Egypt border.

Pero nilinaw ni DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza na hindi naman nasaktan si Ambassador Tago.

Nakabalik na aniya sa Cairo ang Pinoy diplomat at ito ay lilipad patungo sa border para pangasiwaan ang pagpasok ng Pilipinong evacuees sa Egypt.

Samantala, iniulat ng DFA na may isang Pinoy na tinamaan ng stray bullet sa kamay pero ito ay nalapatan na ng lunas.

Ayon pa sa DFA, walang Pilipino na naiulat na namatay dahil sa karahasan doon.

Sa pinakahuling ulat na natanggap ng DFA ay umaabot na sa 80 Pinoy ang nakaalis sa Sudan kabilang ang unang batch na 50 Pinoy evacuees.

Kabuuang 270 Pilipino na humihiling ng repatriation ang nasa Sudan pa.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *