DOLE mag-aalok ng 60k trabaho sa Labor Day Jobs Fair

Aabot sa halos 60,000 trabaho ang iaalok sa gagawing job fair kaugnay ng Labor Day celebration sa May 1.

Sa abiso ng Department of Labor and Employment (DOLE), may 38 job fair venues sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang pwedeng puntahan ng mga kababayan na naghahanap ng trabaho.

Nasa 679 employers naman ang lalahok sa nasabing job fair.

Kabilang sa mga ia-alok na trabaho ay customer service representatives, production workers/operators, financial consultants, service crew, at sales agents o clerks.

Ang job fair na gagawin sa Pasay City ay itinakda sa Abril 30, habang Mayo 3 naman sa iba pang lugar.

Paalala sa mga aplikante magdala ng resume, certificate of employment kung dati nang may trabaho, Diploma, Transcript of Records at Photocopy ng training certificates.

Kasabay ng job fair ay ilang lugar naman ang magkakaroon rin ng Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa sites.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *