Satisfaction rating ni Pang. Duterte “ very good ” pa rin – SWS survey

“Very Good” pa rin ang satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa first quarter ng 2017 batay  sa pinakahuling Social Weather Stations  survey.

Batay sa SWS survey na isinagawa noong Marso 25 hanggang 28, 75 percent ang “satisfied” sa performance ni Pangulong Duterte sa first quarter ng taon.

Labindalawang porsiyento naman ang undecided at 12 percent din ang hindi satisfied.

Ayon sa SWS, +63 “very good” ang net public satisfaction rating ng Pangulo, kaparehas ng natanggap nitong rating noong Disyembre 2016.

Ang masa o ang mga publiko na kabilang sa Class D ay nananatiling consistent sa kanilang satisfaction rating kay Pangulong Duterte sa +64.

Ang satisfaction naman mula sa mga respondents na kabilang sa classes ABC ay naging +56 na, apat na puntos na mas mataas mula sa +52 noong Disyembre 2016.

Samantala, umabot sa +60 ang satisfaction rating na natanggap ni Pangulong Duterte mula sa mga respondents na kabilang sa class E.

Ang naturang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adult respondents sa buong bansa.

May sampling error margins ito na ±3 points para sa national percentages, at tig-±6 percent para sa Balance Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *