SC bibigyan ng tulong ang sugatang court employees sa sunog sa Cebu

Posibleng arson ang sanhi ng sunog sa isang korte sa Cebu noong Martes na ikinasugat ng hukom at mga empleyado.

Ayon kay Chief Justice Alexander Gesmundo, sa inisyal na report ng pulisya ay isang kawani ng Minglanilla Municipal Trial Court ang may kagagawan ng sunog na pumanaw din sa insidente.

“Problematic ang naging sitwasyon kasi court employee ‘yung nagsunog. Medyo may problema yata siya so ni-lock niya ‘yung pinto ng court at sinindihan niya yung mga records,” sabi ni Gesmundo.

Tiniyak ng Supreme Court na makatatanggap ng tulong mula sa kanila ang mga sugatang court personnel na dinala sa ospital at maayos na ang mga kondisyon.

Inatasan na rin ni Gesmundo ang executive judge sa lugar na magsagawa ng assessment sa pangyayari.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *