Sec. Bello nagpalabas ng patakaran para tugunan ang mga reklamo, hiling na tulong sa hotline 8888

Nagpalabas si Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III, ng DOLE operational guidelines and procedures para tugunan ang mga reklamo at hiling na tulong na tinanggap mula sa 8888 citizen’s complaint hotline.

Sa ilalim ng Administrative Order no. 238, series of 2017, ipinag-utos ni Bello ang pagbuo ng DOLE 8888 citizens’ complaint action team, para tiyakin na agad na natutugunan ang mga reklamo at hiling na tulong, at alamin ang mga dapat na isaayos para sa pagpapaganda ng serbisyo at programa ng departamento.

Itinatag sa pamamagitan ng Executive Order No. 6 na ipinalathala ni Presidente Rodrigo Duterte, ang pagbuo ng 8888 citizen’s complaint hotline at ang pagtatatag ng 8888 citizen’s complaint center.

Ito ay isang pamamaraan para ma -ulat ng taong-bayan ang kanilang reklamo o karaingan sa anumang maling gawain ng alinmang National Government Agency, Government-Owned and Controlled Corporation, Government Financial Institution, at iba pang tanggapan ng pamahalaan.

Ulat ni: Liza Flores

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *