Libreng matrikula at misilenyo para sa mga mag-aaral ng SUC’s, sisimulan sa school year 2018-2019

Simula sa school year 2018-2019 magiging libre na ang tuition at miscellaneous fees, ng lahat ng mga mag-aaral sa mga State Universities and Colleges o SUC’s.

Ito’y matapos na maipasa sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang Free College Education Bill.

Sinabi ni Senadora Loren Legarda,  sa ilalim na naturang panukala ay maglalaan ang National government ng 50 bilyong piso para sanasabingh proyekto kada taon.

Pirma na lang ni Pangulong Duterte ang kailangan paraganap na itong maging batas.

Dagdag pa ni Legarda, tanging ang mga tukoy na pinakamahihirap lamang ang may libreng matrikula ngayong school year 2017-2018, dahil ang 8.2 bilyong pisong pondo para rito ay ni-realign lamang.

Ulat ni: Liza Flores

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *