Seguridad sa NAIA, mas hinigpitan pa ngayong araw

Mahigpit  pa rin ang  seguridad na pinaiiral sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport.

Sa Terminal 1, dagsa na ang mga papaalis na pasahero na maagang nagche-check in.

Sa arrival area naman ng  Terminal 3, marami na ang naghihintay sa pagdating sa pagdating ng kanilang mga mahal sa buhay.

Inaasahang ngayong araw dadagsa pa ang mga pasaherong aalis at dadating patungo at mula sa mga lalawigan at ibang bansa.

 

 

Please follow and like us: