Sen. Antonio Trillanes hinamon ng Malakanyang na patunayan ang akusasyong miyembro ng drug triad si Vice Mayor Paolo Duterte

Itinuturing ng Malakanyang na isang marahas ang akusasyon ni Senador Antonio Trillanes na miyembro ng isang drug triad si Presidential son Vice Mayor Paolo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na seryoso ang alegasyon ni  Trillanes laban sa anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Abella kailangan ang ebidensiya para suportahan ni Trillanes ang kanyang paratang sa anak ng Pangulo.

Iginigiit ni Trillanes na ang kanyang ebidensiya ay ang umano’y tattoo ng drug triad sa likod ni Vice Mayor Duterte.

Tumangginaman  si Vice Mayor Paolo Duterte na ipakita ang sinasabing tattoo niya sa likod na mayroong kaugnayan umano sa drug triad.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *