Sen. Lacson, kumpiyansang malulusutan ni Dating Pangulong Aquino ang kaso na isinampa laban dito kaugnay ng Mamasapano Massacre

Naniniwala si Senador Panfilo Lacson na malalagpasan ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang kasong isinampa laban dito kaugnay ng nangyaring massacre sa Mamasapano sa Maguindanao.

Bilang isang kaibigan at dating kasamahan sa Senado, nararamdaman niya ang matinding pressure na kinakaharap ng dating Pangulo gaya ng nangyari sa kanya noon.

Hinimok ni Lacson si Aquino na kumuha ng magagaling na abogado.

Para naman kay Senador Grace Poe, tama lang na idaan sa legal na proseso ang kaso para mapapanagot kung sinuman ang responsable sa likod ng masaker sa mga tauhan ng PNP  Special Action Force.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *