Senado umaaray na sa expenses sa security ni Senador Antonio Trillanes lV

Nagrereklamo na si Senate President Vicente Tito Sotto III sa gastusin ng senado sa mga security o sa karagdagang tauhan ng Office of the Senate Sergeant at Arms dahil sa pananatili ni Senador Antonio Trillanes sa senado at kaniyang mga tagasuporta.

Ayon kay Senator Cynthia Villar, tinalakay sa kanila ni Senate President Vicente Sotto na kailangan na madagdagan ang duty ng mga tauhan ng OSSAA na magbabantay sa senado.

Dahil dito kinakailangan aniya ang karagdagang pondo para overtime ng mga security.

Si Trillanes ay isang linggo nang nagkakanlong sa senado matapos ilabas ng Malacanang ang proclamation 572 na nagpapawalamg bisa sa kaniyang amnestiya

Nauna nang ipinagbawal ni Sotto ang pagpasok ng mga supporters ni Trillanes noong weekend sa pangambang malusutan ng mga mapagsantala.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *