Senate Blue Ribbon Committee iniimbestigahan na ang pagkakasabat ng 500 kilos ng shabu sa Port of Manila at paglaho ng 1,000 kilos ng shabu na unang itinago sa isang bodega sa GMA, Cavite

Iniimbestigahan ngayon ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagkakasabat ng mahigit limandaang kilo ng shabu sa port of Manila at ang pagkawala umano ng isanlibong kilo ng shabu na unang itinago sa isang bodega sa GMA Cavite noong Agosto.

Sa pagsisimula pa lamang ng pagdinig, sinabi ni Senador Manny Pacquaio na nakakahiya at nakakadismaya na may napalusot na namang bulto bultong shabu.

Tila hindi na raw natuto ang mga taga customs sa pagkakapuslit ng 6.4 bilyong halaga ng shabu noong nakaraang taon na nasabat naman sa Valenzuela.

Dapat lamang aniyang habulin at papanagutin sa batas ang mga tiwaling opisyal ng customs, mga consignee at nagsilbing broker kaya naipasok ang mga kargamento.

Dumadalo sa pagdinig sina Customs commissioner Isidro Lapena, PDEA Director Aeron Aquino, mga opisyal ng Manila International Container Port at mga brokerage firms.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *