Senador Antonio trillanes ayaw ng patulan ng Malakanyang

Hindi na pag-aaksayahan ng panahon ng Malakanyang si Senador Antonio Trillanes.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na sayang lang ang oras kung papatulan pa ng Palasyo si Trillanes.

Ayon kay Abella mas maraming dapat atupagin si Pangulong Duterte na pakikinabangan ng bansa kaysa sagutin pa ang mga rehashed na akusasyon ng Senador.

Inihayag ni Abella na tatak na ni Trillanes ang mag-ingay dahil sa pulitika at personal interest.

Sagot ito ng Malakanyang sa banta ni Trillanes na sa loob ng dalawang buwan ay mahaharap si Pangulong  Duterte sa impeachment dahil sa isyu ng extra judicial killings.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.