Senador Dela rosa, Ikinampanya ang Sara – BBM tandem

Apat na buwan matapos iurong ang kaniyang kandidatura, personal na ikinampanya ni Senador Ronald Dela rosa ang tambalan nina Presidential candidate Bongbong Marcos at katandem na si Sara Duterte.

Inindorso ni Dela rosa sina BBM at Sara sa isang proclamation rally sa Valencia city ,Bukidnon.

Ayon sa Senador, bago pa man maglabas ng desisyon ang kanilang partido na PDP laban, sina BBM at Duterte na ang kanyang napagpasyahang suportahan.

Ngayon niya lang daw ito naisapubliko dahil hinintay niya na maglabas ng pormal na anunsyo ang partido kung saan kabilang rin si Pangulong Duterte.

Magugunitang naghain si Dela rosa ng kaniyang Certificate of candidacy para kumandidato sa pagkapangulo bilang pambato sana ng administration party pero matapos ang isang buwan binawi nito ang kandidatura.

Inamin ng Senador na siya ang last choice ng PDP laban at bilang sundalo napilitan siyang sumunod sa desisyon ng partido.

Meanne Corvera

Please follow and like us: