Nacionalista Party inendorso ang BBM- Sara tandem

Inendorso na rin ng Nacionalista Party ang suporta sa kandidatura ng tambalan nina dating Senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte para sa May 9 elections.

Sa isang statement na pirmado ni NP President Manny Villar, nakasaad na naniniwala sila sa isinusulong na unity ng tambalang BBM at Sara.

Kapwa may magandang kuwalipikasyon at magandang track record umano ang mga ito para sa unity at prosperity.

Bago ang pag-endorso ng Nacionalista Party sa BBM-Sara tandem, una na ring inendorso ng iba pang malalaking partido ang dalawa.

Sa kabila ng mga negatibong batikos na natatanggap ng dalawa, hinihikayat nila ang kanilang mga supporters na isulong pa rin ang positibong pangangampanya.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: