Senadora Leila de Lima, dumadaan ngayon sa matinding problema

Sa isang sulat kamay na pahayag na ipinamahagi sa media, sinabi niSenadora Leila  de Lima na hindi alam ng kanyang 84 na  taong gulang na ina na nakakulong siya sa PNP Custodial Center dahil  sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Ang pagkakaalam ng kanyang ina ay nasa abroad lamang siya para sa isang official business trip.

Wala nang maisagot ang kanyang mga kapatid sa paulit ulit napagtatanong ng kaniyang ina.

Hanggang ngayon hindi pa siya makapagdesisyon kung sasabihin sa ina ang tunay na sitwasyon.

Umaasa naman si de Lima na magdedesisyon ng patas ang Korte Suprema batay sa kaniyang mga isinumiteng apela at ebidensya.

Nanindigan ang Senadora na wala syang kinalaman sa umanoy drug trade sa Bilibid.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us: