Senator Bong Go sinopurtahan ang panukalang bumalangkas ang POPCOM ng hakbangin para makontrtol ang pagdami ng tao sa bansa.

Sinusuportahan senator Christopher Bong Go ang mga panukalang bumalangkas ang Philippine Commission on Population ng mga bagong hakbangin upang makontrol ang pagdami ng tao sa bansa.

Kasama sa mga ikinukunsidera ng popcom ang pagsusulong ng non-scalpel vasectomy.

Pero hindi aniya dapat gawing mandatory ang pagpapatupad ng ganitong proseso at gamitin lamang ito bilang opsyon ng mga lalaki.

Kailangan rin aniyang maglunsad ang Popcom katuwang ang Department of Health ng education campaign upang maipaliwanag sa lahat ang buting dulot ng vasectomy.

Marami aniya sa mga lalaki ang posibleng mag-alinlangan sa posibleng side effect ng vasectomy kung hindi nila mauunawang mabuti ang medical procedure na ito.

Una nang nabahala ang POPCOM sa mabilis na paglobo ng populasyon sa mundo na ngayon ay umaabot na sa walong bilyon

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.