Shortlist para sa mga bakanteng pwesto sa Sandiganbayan at Court of Appeals inilabas na ng JBC

Inilabas na ng Judicial and Bar Council ang shortlist na pagpipilian ni Pangulong  Duterte para sa  bakanteng pwesto sa Sandiganbayan at Court of Appeals.

Lima ang pasok sa shortlist para sa binakanteng pwesto sa Sandiganbayan ni Associate Justice Roland Jurado.

Ang mga ito ay sina Muntinlupa RTC Judge Philip Aguinaldo, Makati RTC Judge Maryann Corpus-Mañalac, Pasig RTC Executive Judge Danilo Cruz, Ombudsman Director Bayani Jacinto at Quezon City RTC Judge Rosanna Fe Romero-Maglaya.

Pito naman ang kasama  sa shortlist para sa iniwang pwesto sa Court of Appeals ni Justice Francisco Acosta.

Ang mga ito ay sina Zamboanga RTC Judge Gregorio Dela Pena III, Walter Ong, Las Pinas RTC Judge Joselito de Jesus Vibandor, Manila RTC Judge Merianthe Pacita Zuraek, Cagayan De Oro RTC Judge Jeoffre Acebido, Iligan RTC Judge Anisah Amanodin-Umpa at Quezon City RTC Judge Tita Marilyn Payoyo-Villordon.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us: