Special Joint Session ng Kongreso isasagawa sa Sabado, November 4

Magsasagawa ng Special Joint Session ang Kongreso sa araw ng Sabado, November 4, 2023 sa Batasan Complex Quezon City.

Ayon sa memorandum order na inilabas ni House of Representstive Secretary General Reginald Velasco inaatasan ang lahat ng staff at personnel ng Kamara na pumasok sa trabaho sa araw ng Sabado.

Batay sa report ang Joint Special Session ng Kongreso ay may kinalaman sa pagbisita sa bansa ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida na nakatakdang magsalita sa Kongreso ng Pilipinas.

Ang opisyal na pagbubukas ng session ng kongreso ay sa November 6, 2023.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *