SPO3 Lascanas, ipinapaaresto na rin ng isang kongresista

karlo

Iginiit ni Davao City Cong. Karlo Nograles sa National Bureau of Investigation na arestuhin na si retired SPO3 Arthur Lascanas dahil sa pagiging mersenaryo at pagpipilit na idiin si Pangulong Duterte sa ilang kaso ng murder.

Giit ni Nograles ang pag-amin ni Lascanas sa ilang insidente ng pagpatay ay sapat ng dahilan para kumilos ang mga otoridad para arestuhin at kasuhan ito.

Si Lascanas ay binayaran lamang aniya para magpakalat ng kasinungalingan laban sa Presidente.

Ang isang tao na gaya ni Lascanas na nababayaran para pumatay ay nababayaran din para magsinungaling at hindi dapat na siniseryoso.

Naniniwala si Nograles na ang biglang pagbaligtad ng dating pulis sa dati nitong testimonya sa Senado na itinatanggi ang existence ng Davao Death Squad ay itinulak ng pagkagahaman at hindi ng sinasabi nitong tulak ng kunsiyensya.

Nagpapagamit aniya si Lascanas sa mga handler nito para i-destabilize ang Duterte administration na maituturing na treason.

Ulat ni: Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.