Suplay ng karne ng baboy sa bansa, kinakapos na – BAI

Nagkukulang na umano ang suplay ng karne ng baboy na dahilan ng pagtaas ng presyo nito.

Sa ngayon ay umaabot sa ₱220 ang kada kilo ng karne ng baboy sa mga pamilihan.

Sinabi ng Bureau of Animal Industry na nagkukulang na ang suplay at sa Hulyo pa ang inaasaang pag-harvest ng mga inaalagaang baboy.

Ayon sa ahensya ang pag-aangkat na lang ang nakikitang paraan para masolusyunan ang kakulangan nito.

Ayon pa sa BAI, pinapayagan na ng Department of Agriculture ang mungkahing pag-angkat na inaasahan namang magpapababa ng presyo nito sa ₱200 kada kilo.

Kailangan ng bansa na mang-angkat ng pitong milyong kilo ng baboy para mapababa ng ang presyo nito sa ₱200 kada kilo.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *