Malakanyang kinumpirmang hindi na tatanggap ng tulong mula sa EU ang Pilipinas

Kinumpirma ng Malakanyang ang report na hindi na tatanggap ng anumang tulong ang Pilipinas mula sa European Union o EU.

Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang dahilan ng tuluyang pagtanggi ng Pilipinas sa tulong ng EU ay para hindi na sila manghimasok sa mga patakaran ng Duterte administration.

Ayon naman sa ambassador ng EU sa Pilipinas na si Franz Jessen, ang desisyong ito ng Pilipinas ay mangangahulugan ng pagkawala ng 250 milyong Euros na halaga ng grants na malaking bahagi ay nakalaan sa Muslim community.

Inihayag  naman ni Thelma Gecolea, public affairs officer ng EU delegation sa Pilipinas, makaraang matanggap ang abisong ito mula sa gobyerno ng Pilipinas ay tuluyang inihinto na ng EU ang pagkakaloob ng anumang tulong sa Pilipinas.

Makailang ulit na tinuligsa ni Pangulong Duterte sa kanyang mga speeches ang EU dahil sa pakikialam ng mga ito sa inilusad na drug war ng gobyerno.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *