Suplay ng tubig at kuryente, hirit naman ng KADAMAY

Nag-protesta ang halos 100 miyembro ng Kalipunan ng Damayang Maralita o KADAMAY sa harap ng munisipyo ng Pandi, Bulacan.

Ang apela naman ng KADAMAY ngayon ay bigyan sila ng suplay ng tubig at kuryente sa mga inokupa nilang mga pabahay.

Sinabi ng isa sa kanilang mga pinuno na si Marian Cornelia na hindi naman nila hinihiling ang libreng tubig at kuryente.

Iginiit  nito na handa naman silang magbayad para rito.

Ayon pa kay Cornelia, napipilitan ang mga miyembro nila na bumili ng tubig sa mga nagrarasyon mula sa iba pang lugar dahil wala silang sariling tubig.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *