Taxi na sinakyan ng gunman sa Resorts World Manila, hinahanap na ng pulisya

 

Bagamat bigo pa ring matukoy ang pagkakakilanlan sa gunman ng Resorts World Manila, hawak na ng National Capital Regional Police office o NCRPO ang detalye ng taxi na sinakyan ng suspek patungo sa nasabing hotel.

Ayon kay NCRPO Director Oscar Akbayalde. hinahanap na nila ang driver ng taxi para sa kaukulang imbestigasyon.

Base sa mga CCTV footages na hawak ng pulisya, may dalang dalawang malaking itim na bag ang suspek nang bumaba ito ng taxi.

Posible aniyang sa elevator nagbihis ang suspek ngunit hindi pa malinaw kungpaano nito naipasok sa hotel ang kaniyang mga bag na pinainiwalaang naglalaman ng mga baril.

Matapos ang panununog sa gaming area ng hotel ay mabilis itong umakyat sa ika-limang paplapag ng gusali hanggang mapasok niya ang room 510 kung saan sinilaban at binaril niya ang kaniyang sarili.

Nasa kustodiya na ng PNP Crime labortaory ang bangkay ng suspek para isa-ilalim sa autopsy at mapag-aralan ang fingerprints nito at iba pa.

Wala pa ring nagki-claim sa bangkay nito.

Isina-ilalim na rin sa Forensic examination ang mga baril na dala ng suspek upang matukoy ang nagmamay-ari nito sa pamamagitan ng serial number.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *