Action center ng Deped isasabay sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 5

Isasabay sa pasukan sa Lunes, June 5 ang paglalagay ng mga nationwide of information at action centers sa mga paaralan sa ilalim ng programang “Oplan Balik Eskwela”.

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones, bagamat may ilang mga kakulangan pa rin ay handa naman na sila para sa pagbubukas ng klase.

Ayon kay Briones kulang pa ang mga classroom sa buong bansa ng 47,000 at 53,000 naman ang kulang na high school teachers.

Nagdagdag din aniya ang DepEd ng mga hotlines para maiulat sa kanila ang mga request, complaint, at mga suggestion para sa darating na pasukan.

Mananatiling namang  bukas ang mga DepEd command center hangang June 16 para sa mga reklamo at suhestyon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *