Terror attack sa London, lima patay 40 sugatan

Lima ang patay , 40 naman  ang sugatan matapos na salpukin ng mga suspek lulan ng sasakyan ang  kumpol ng tao sa bakod ng parliament building sa London.

Ayon sa mga pulis, kabilang sa namatay ang suspek at isang pulis naman ang sugatan matapos na ito ay saksakin.

Tinawag ng Mayor ng London na si Sadiq Khan na isang uri ng terror attack ang nasabing insidente  na itinaon sa anibersaryo ng Brussels attacks.

agad na isinara ang gate sa Buckingham palace at bantay sarado ng mga pulis ang buong London.

Please follow and like us: