Terror threat sa Central Visayas, kinumpirma ni PNP Chief Bato dela Rosa

Kinumpirma ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa na may namomonitor silang banta ng pagdukot ng ilang teroristang grupo sa Central Visayas.

Tiniyak ni dela Rosa na  may ginagawa nang preparasyon ang Police Regional Office 7 para mapigilan ang naturang banta.

Hindi pa makapagbigay ang PNP Chief ng karagdagang detalye dahil pawang general information lamang ang ipinarating sa kanya.

Una rito naglabas ng travel advisory ang US Embassy sa kanilang mamamayan sa Region 7, kasama na ang probinsya ng Cebu at Bohol, hinggil sa posibleng kidnapping activites ng mga miyembro ng extremist group.

Ulat ni: Mar Gabriel

Please follow and like us: