Lascanas, babalik pa sa Pilipinas -BID

Kung ang return ticket ng self confessed killer na si SPO3 Arturo Lascañas ang pagbabatayan,sa  Abril a bente dos ito magbabalik ng bansa.

Ayon kay Bureau of Immigration Spokesperson Antonette Mangrobang, batay sa plane ticket na  ipinirisinta ni Lascañas sa mga immigration officer sa April 22 siya babalik ng Maynila mula sa Singapore.

Isa sa mga requirement anya para sa mga Filipino na mayroong tourist- purpose visas gaya ni Lascañas ay return ticket.

Muling nilinaw ni Mangrobang na wala sa lookout bulletin at walang hold departure order laban sa dating pulis kaya di ito hindi pinigilan lumabas ng bansa noong Sabado.

Batay sa mga report, nakakatanggap ng mga banta si Lascañas na kakasuhan ito at may mga taong naghahanap sa kanya.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us: