Testigo sa pagpatay kay Carl Arnaiz hawak na ni Sen. Lacson

Kinumpirma ni Senador Panfilo Lacson na nasa kustodiya na niya ang testigo sa pagpatay sa disi nueve anyos na si Carl Angelo Arnaiz.

Si Arnaiz ay napatay matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis na rumesponde nang holdapin niya ang isang taxi driver sa Caloocan.

Ayon kay Lacson, sinabi ng 21 anyos na testigo na nakita niya si Arnaiz bago ito mamatay.

Nakita niya ito sa loob ng sasakyan ng mga pulis at nakita niya rin ang tama ng bala nito sa ulunan na tumugma sa autopsy report.

Ngayong araw nakatakda ang pagdinig sa kaso ni Arnaiz pero ipinagpaliban sa susunod na linggo dahil sa Bagyong Maring.

Kasama sa mga ipinatatawag ng committee on Public Order ang taxi driver na si Tomas Bagcal na nagsabing scripted ang pagkamatay ni Arnaiz.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *