Tinatayang 250 African migrants, nalunod sa Mediterranean Sea

Aabot sa mahigit dalawang daan at limampung African migrants ang pinangangambahang nalunod sa Mediterranean Sea matapos matagpuan ang limang bangkay malapit sa dalawang lumubog na rubber boats.

Naalarma ang United Nations refugee agency sa natagpuang mga bangkay malapit sa mga tumaob na rubber boat sa bahagi ng Libyan Coast.

Ayon kay Proactive Spokeswoman Laura Lanuza, malaki ang posibilidad na ang naturang rubber boats ay puno ng mga migrant.

Dagdag  pa ni Lanuza, ang naturang rubber boats ay karaniwang umaabot sa 120 -140 ang naisasakay na migrants bawat isa.

Ttinatayang nasa  16 hanggang 25 ang edad ng mga bangkay ng African migrants na natagpuan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.