Train bombing sa Russia, itinuturing na terrorist act

Tinaguriang terrorist act ang naganap na pagsabog sa metro station sa St. Petersburg.

Ito ang inihayag ni Russian Prime Minister Dmitry Medvedev matapos umabot sa labing isa ang nasawi at apatnapu’t lima ang sugatan.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad mula sa hindi pa malamang explosive device ang pinasabog ng hindi pa kilalang mga suspek.

Naganap ito sa train car na dumaan sa tunnel kung saan matapos ang insidente ay agad na isinara ang lahat ng serbisyo ng train stations.

Nakita pa ng mga otoridad ang pangalawang device na kanilang na-diffuse.

Patuloy pa ring inaalam ng mga awtoridad kung sinong grupo ang nasa likod ng insidente.

Please follow and like us: